Inamin ng aktres na si Liza Soberano na nasasaktan siya kapag sinasabing “laos” na siya matapos niyang iwan ang magandang career sa Pilipinas para makipagsapalaran sa Hollywood.
Sa Painfully Human Podcast ni Edward Barber, ibinahagi ni Liza na malaking sakripisyo ang kanyang hinarap partikular na sa pera at karangyaan mula nang lumipat siya sa Los Angeles bilang new artist.
“When I first moved to LA, it really hurt me when people would be like, ‘Oh, laos na siya. We don’t see her anywhere. Oh, laos na siya. She’s like only doing these small little influencer gigs’,” sey ni Liza.
“Guys, that’s how I stay alive. I’m not making as much money as I did before,” dagdag nito.
Sa kabila ng mga sakripisyo niya, masaya raw si Liza sa kanyang pag-grow.
“That’s the price that I’m paying so that I can fulfill this ambition or dream of mine,” aniya.
Inamin din ni Liza na sa LA, gumagastos siya sa acting classes at vocal lessons.
Matapos magbida sa “Lisa Frankenstein” (2024), nakatakda naman siyang maging isa sa mga lead voice actor (Raissa) sa upcoming animated film na “Forgotten Island” kasama si Lea Salonga.

Share.
Exit mobile version