Nasawi ang isang lider ng New People Army at kasama nito sa naganap na engkwentro sa pagitan ng militar at rebelde sa Tboli South Cotabato nitong Huwebes ng umaga.
Kinilala ang nasawing na Anthony Narvasa, alias “Magaw,” na secretary ng Far South Mindanao Region (FSMR); at Rosa Kian, alias “Mutya” at “Roxanne.”
Ayon kay BGen Michael A Santos, Commander ng 603rd Infantry (Persuader) Brigade, ang engkwentro naganap sa Brgy. Laconon Tboli, South Cotabato.
Nabatid na nagpapatrolya ang mga sundalo nang masabat ang mga rebelde at nagsimula ang palitan ng putok sa dalawang panig.
Sa Isinagawang clearing operation ng mga sundalo narekober ang bangkay ng dalawang nasabing rebelde at na M16 rifles at 1- R4 rifle mula sa pinangyarihan ng engkwentro.
Sinabi ni Santos na nahaharap si alias “Magaw” sa iba’t-ibang kasong kriminal kabilang ang Multiple Attempted Homicide, Murder, at Attempted Murder.
Si Alias Magaw ang pang tatlong secretary ng FSMR na nasawi sa engkwentro nang mapatay ang mga naunang Kalihim ng FSMR, kabilang si alias “Bobo” noong Disyembre 2022, at alias “Rafa” at “Ruby” noong Hunyo 2025.
Ang labi nang dalawang rebelde, nakatang i-turn over sa Local Government unit para sa maayos na paglilibing.
Trending
- Mayor na binazooka, humirit ng agarang imbestigasyon sa DOJ
- 5 NPA patay sa engkuentro sa Negros Occ.
- Tulay sa Davao, gumuho sa malakas na agos ng tubig
- NBI driver posibleng nadikitan lang ng gunpowder sa Senado – Matibag
- DILG, nilinaw kung bakit ‘di inaresto si Dela Rosa
- Giit ni Matibag: NBI ang inaatake, hindi Senado!
- NBI: Cyber warrant vs Franco Mabanta aprub na
- NBI may ‘leads’ na sa kinaroroonan ni Sen. Bato

