Kaagad binawian ng buhay ang isang collector ng isang lending company nang paulanan ng bala ng hindi pa nakilalang mga salarin, noong Martes, Marso 24, sa bayan ng Columbio, Sultan Kudarat.
Kinilala ang nasawing biktima na si Froylan Dale Combate, at residente Koronadal City, South Cotabato.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Columbio Municipal Police Station, ga­ling sa pangongolekta ang biktima nang tambangan ito ng hindi pa kilalang mga suspek sa bahagi ng Sitio Dike, Barangay Mayo ng nabanggit na bayan.
Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na naging sanhi ng kanyang pagkasawi.
Naiulat din na tinangay pa ng mga salarin ang koleksiyon ng biktima bago tumakas.
Nagpapatuloy pa sa ngayon ang imbestigasyon ng Columbio PNP para sa pagkakakilanlan ng mga salarin.

Share.
Exit mobile version