Kapuso actor Kelvin Miranda has yet to forgive the one who ran over and killed his father.
Tinanong kasi ang aktor sa Ogie Diaz Updates kung napatawad na ba niya ang nakabangga sa ama.
But this is not to say na hindi daw marunong magpatawad si Kelvin.
Dahilan–tila wala daw sinseridad ang taong ‘yon noong magkita sila sa presinto.
Matatandaang nabangga ang ama ng aktor ng van sakay ng motor.
May edad na din daw ang nakabangga–kaso’y tila wala daw itong remorse o pagsisisi sa nangyari.
Naglaro tuloy sa isip ni Kelvin ang maaari niyang gawin sa driver, to the point na idaan ‘yon sa pisikalan to avenge his father’s untimely death.
May pagkabastos din daw kasi kung sumagot ang nakabangga: “I could have harmed him with the way he talked!”
Buti na lang, umiral sa aktor ang paalala ng ama noong buhay pa: huwag na huwag mananakit.
Kelvin had to calm himself.
Patuloy pa din daw siyang naghahanap ng hustisya.
Trending
- 3 patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital
- 4 wanted tiklo
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet
