“No ifs, only ‘butts”!
Ganito maaaring ilarawan ang pa-pwet ni Kathryn Bernardo na itinaon niya sa kanyang 29th birthday.
Tadtad nga ng fire emojis ang nagliliyab na photos ng Kapamilya actress na all over her Instagram.
May dalawang magkaibang pasilip sa pa-puwet ng aktres.
Ang una’y kung saan nasa kama siya, wearing a cropped white tank.
Sinamahan niya ito ng simpleng caption na: “Woke up like this!”
Mas sensual ang ikalawang series of photos.
Naka-all black si Kathryn with a fitted cropped top with matching bikini bottom.
Naka-black shades siya in other photos at lumalantak ng cheese puffs.
Bago nito’y nagpasiklab na si Kat sa Body of Work, ang underwear fashion show ng Bench.
Super dami naman ang nag-like na kapwa female celebrities ni Kat tulad nina Aiko Melendez, Angelica Panganiban, Rabiya Mateo, among others.