Inirekomenda na ng National Bureau o Invesigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay Vice President Sara Duterte.
Kaugnay pa rin ito sa death threath kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, kabilang sa mga inirekumendang kaso ang Grave threat, at inciting sedition.
Natatandaan noong nakaraang taon naglunsad virtual press conference si vice president Sara Duterte, kung saan nakipag-kasundo na aniya siya sa isang assasin upang ipapatay sina President, First Lady, at House Speaker.
Agad naman Itinuring ng Malakanyang na isang itong active threat, kasabay ng paghimok sa presidential security group na agad kumilos kung anong nararapat na gawin sa nasabing pagbabanta ng Bise Presidente.