Naghain ng mosyon para sa hospital arrest ang kapwa-akusado ni dating Congressman Zaldy Co sa Sandiganbayan Sixth Division nang ma-stroke.
Humaharap si Juliet Calvo, dating maintenance division chief ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Mimaropa, sa kasong malversation kasama ang walong iba pang akusado kaugnay ng umano’y P289.4 milyong road dike project sa Naujan, Oriental Mindoro.
Ayon sa kanyang abogado na si Edwin Labro Jr. sa pagdinig, dumanas ng stroke si Calvo noong Agosto 5 habang nakadetine sa Camp Karingal Female Dormitory sa Quezon City.
Sinabi ni Labro na paralisado at “unable to communicate” si Calvo, ngunit “stable” at “kritikal” umano ang kondisyon nito batay sa findings ng kanyang doktor sa isang pribadong ospital.
Dahil dito, naghain ang abogado ng urgent motion para sa hospital arrest.
Hindi naman tumutol ang mga prosecutor sa mosyon.
Gayunman, sinabi ni Associate Justice Sarah Jane Fernandez, chairperson ng Sixth Division, na nais munang marinig ng korte ang doktor ni Calvo tungkol sa kanyang kondisyon.
Magtatakda ang korte ng pagdinig upang pakinggan ang doktor bago isalang sa resolusyon ang mosyon para sa hospital arrest.
Trending
- 3 patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital
- 4 wanted tiklo
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet
