Iniintriga ng mga tsismosang kapitbahay ang kumalat na photos nina Andres Muhlach at Kai Montinola na pareho ng wristband o mini bracelet.
May mga katekaterang nang-iintriga na may mutual understanding na raw ang dalawa.
Pruweba raw ang suot nilang mini bracelet na magkapareho ang kulay at porma na may namamagitan na sa kanila more than friendship.
Ito naman ang hirit ng kibitzers sa nasabing isyu.
“Feeling ko, mag-MU na sila.”
“Start na ba iyon ng promo ng gagawin nilang project.”
“Grabe naman. Magkapareho lang ng bracelet, magdyowa na.”
“Bakit ako kinikilig.”
“Binati ba ni Kai si Andres sa napanalunan niyang medal sa gravel biking competition?Parang wala siyang paramdam.”
“Basta ako. Feeling ko, low-key lang sila.”
“Sana ma-manifest na iyong teamup project nila.”
====
Trending
- Cayetano tanggap na ‘di na siya ang senate president
- Teammates nina Baterbonia, Adili nagpakita sa PNP
- 24 North Genesis bus, sinuspinde sa road crash sa Baguio City
- 4 Taiwanese ilegal na pumasok ng Pinas timbog
- P56m droga, buking sa parcel sa NAIA
- 92 puganteng may kasong sexual offenses, naaresto
- CIDG kay Baldwin: ‘Man up’, humarap sa imbestigasyon
- Sen. Bato dapat sumuko nang mapayapa
