How true na hindi raw bet ng pamilya ng aktor na si Enrique Gil ang kasalukuyang girlfriend nito?
Sa latest episode kasi ng “Showbiz Updates” noong Lunes, Hunyo 15, inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz ang nasagap niyang tsika tungkol sa umano’y trato ng pamilya ni Enrique sa gerlalu.
Kaugnay ito ng nauna pang tsika na nabuntis umano ni Enrique ang babaeng nauugnay sa kaniya.
Ayon sa showbiz insider, “‘Yong nakarating sa akin, totoo ba ‘to? Na hindi talaga gusto ng family ni Quen [Enrique] ‘yong girl?
“So ano na? Alam na ng family ni Quen na may nabuntis si Quen? “ sundot ng co-host niyang si Mama Loi.
Pero sagot ni Ogie, “Hindi nga, e. Tandang pananong nga ‘yan sa atin, e. Saka na tayo maniniwala kapag inamin o dineny ni Quen o ng kampo niya ‘yong balita na ‘yan.”
Samantala, wala namang malinaw na clue na ibinigay si Ogie hinggil sa pagkakakilanlan ng babae. Pero aniya, non-showbiz daw ito.
Matatandaang naintriga si Enrique noong 2025 na may jumowa raw siya ng babaeng doble ang agwat ng edad sa kaniya.
Ngunit ilang buwan bago ito, naugnay din ang aktor sa dating Pinoy Big Brother housemate-beauty queen na si Franki Russell. Ito ay matapos silang maispatang magkasama sa isang beach resort.
Ngunit ayon kay Franki sa isang panayam noong Abril 2026, na-realize daw nila ni Enrique na mas mabuti pang maging magkaibigan na lang sila.
====
Trending
- Norway, itinumba ang Iraq sa pagbabalik sa World Cup
- Anak ni Serena, nagbigay inspirasyon sa Wimbledon
- Pura Luka Vega, pinangunahan komunyon
- Jowa ni Enrique, ‘di pasok sa tipo ng pamilya Gil?
- Donny Pangilinan bet paganapin bilang Rene Baterbonia
- 3 dayuhan huli sa online gaming hub
- Mekaniko pisak sa kinukumpuning sasakyan
- Truck may dalang relief goods , nahulog sa bangin
