Ang dapat sana’y at home na sa paggawa ng love scenes given his 12 years in the business ay hindi pala–sa kaso ni Joshua Garcia.
Mismong ang aktor ang umaming ‘di siya kumportable at all.
Napag-usapan kasi ang malinit nilang eksena ni Ivana Alawi sa Love is Never Gone, ABS-CBN’s latest serye.
Awkward is how Joshua describes taking off his clothes in front of the cameras for a love scene.
“Showing my body, I find it uncomfortable. Ang hirap nu’n, ha?” pag-amin ng aktor na lagi palang may bilin sa mga cameraman.
At ano?
Iwasan daw mahagip ng lente ang kanyang tiyan!
Ang nangyayari, sinusuway daw ng mga ito ang instructions ng direktor dahil natimbrehan na sila ni Joshua.
Sa eksena nila ni Ivana, idinaan na lang daw ‘yon ni Joshua sa puso:
“Iniisip ko na lang as if totoo ‘yung ginagawa naming eksena!”
Successful naman daw ang kinalabasan.
=======
Trending
- Comelec nagsimula na sa disposal ng ‘di nagamit na balota sa BARMM poll
- ‘Pinas magbubukas ng mga embahada, konsulada sa ibang mga bansa
- P2.6m ismagel yosi nasamsam sa Cotabato
- Bea, suot pa rin ang singsing
- Joshua, asiwa sa love scenes
- Rico Blanco, spotted, may kasamang ‘mystery girl’
- Dating teammate ni Wade sinuntok sa Greek League Finals
- Ateneo umatras sa Filoil EcoOil Preseason Cup
