Isang matinding mura ang bumungad kay Jhong Hilario mula sa isang netizen matapos nitong mapanood ang pelikulang “Hand of God,” na kalahok sa 22nd Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2026.
Sa halip na makipagsagutan, ibinahagi na lang ng “It’s Showtime” host ang screenshot ng mensaheng natanggap niya.
“Just watch your Cinemalaya entry. T****NA MO PO!” ang nakalagay sa naturang message.
Hindi na nagbigay ng reaksiyon si Jhong kung bakit ganoon ang naging komento ng manonood.
Sa halip, ginamit na lang niya ang pagkakataon para muling i-promote ang pelikula kung saan kabilang siya sa cast.
“NOW SHOWING!!! HAND OF GOD, an entry to this year’s Cinemalaya Film Festival,” saad ng aktor sa kanyang post.
Nagkaroon naman ng iba’t ibang reaksiyon ang kanyang followers. May mga nagbiro tungkol sa pagkairita nila sa mga karakter ni Jhong, habang may ilan namang nagsabing posibleng senyales lamang ng mahusay niyang pagganap ang pagmumura sa kanya ng isang manonood.
May netizen pa ngang nagkomento na mukhang mahusay ang pagkakaganap ni Jhong bilang kontrabida, habang ang iba naman ay nagpahayag ng interes na panoorin ang pelikula.

Share.
Exit mobile version