Sa bawat proyekto na ginagawa ni Janine Gutierrez, sinisigurado niya na may natututunan siya.
Tulad nga sa bago niyang serye, may natutunan talaga siya pagdating sa pag-ibig.
Para sa kanya, importante ang loyalty sa isang relasyon dahil siya mismo ay nakaranas ng disloyalty sa kanyang nakaraang relasyon.
“Take it as a sign na rin na that’s not the right person for you, and you should learn when to let go,” payo pa ng aktres para sa mga taong nakakaranas din ng disloyalty.
Sey pa ni Janine, mahalagang unang matutunang mahalin ang sarili.
“Kasi kapag love mo na ‘yung sarili mo, dun ka din talaga makakahanap ng partner that is your equal sa mga gusto n’yo at sa relationship. When you love and respect yourself, then you wouldn’t settle for someone who doesn’t treat you right.”
Well, bongga nga ang love life at career ni Janine. Super happy siya sa dyowang si Jericho Rosales.
At heot nga at nanatili pa ring number one ang ‘The Loyalty Game’ sa Prime Video at patuloy pa ring pinag-uusapan sa social media.
“More of this kind please! Superb acting from start to finish! Kudos sa lahat ng bumubuo ng “The Loyalty Game!”
“Ako I like the ending. Not the conventional ending ng isang teleserye, and I think that’s the beauty of it, it leaves you hanging, wondering, and questioning.”
Anyway, puwede nang i-binge watch ang kapana-panabik na kwento nina Ana (Janine) at Ben (Jericho) sa Prime Video.

Share.
Exit mobile version