Umakyat sa 3.3% ang inflation rate sa Estados Unidos noong Marso, dulot ng pagtaas ng presyo ng enerhiya kasunod ng giyera sa Iran, ayon sa datos ng US Bureau of Labor Statistics.
Mula ito sa 2.4% inflation noong nakaraang buwan, habang pumalo naman sa 21.2% ang itinaas ng presyo ng gasolina mula Pebrero hanggang Marso, ang pinakamalaking buwanang pagtaas mula pa noong 1967.
Nasa $4.15 kada galon na ang average na presyo ng gasolina sa US, mula sa halos $3 bago sumiklab ang sigalot sa Middle East.
Iniuugnay ang pagtaas sa patuloy na tensyon matapos bombahin ng US at Israel ang Iran, na sinagot naman ng Tehran sa pagharang sa Strait of Hormuz.
Ayon sa White House, nananatiling matatag ang ekonomiya at pansamantala lamang ang epekto ng krisis. Gayunman, nagbabala ang mga eksperto na maaaring mas lumala pa ang sitwasyon.
“This is only the beginning,” ayon kay economist Heather Long, na nagsabing posibleng tumaas pa ang presyo ng pagkain, biyahe, at shipping sa mga susunod na buwan.
Tinatayang aabot sa $350 kada household ang dagdag na gastos ng mga Amerikano dahil sa pagtaas ng presyo ng langis.
Samantala, bumagsak din ng 11% ang consumer sentiment, habang inaasahang maaantala ang target ng Federal Reserve na pababain sa 2% ang inflation.
Trending
- Zaldy Co wala na sa kustodiya ng Czech authorities – DOJ
- Paglabas ng pagkakakilanlan ng mga imbestigador, kinondena ng Ombudsman
- Lacson: Mga senador dapat manatiling neutral sa posibleng impeachment trial
- Meralco, binanatan sa gitna ng krisis sa enerhiya
- 2026 barangay, SK polls pinauusog ni Sen. Imee sa Oktubre 2027
- Gamit na mantika, maaaring gamitin sa paggawa ng biodiesel
- Trump ‘di masaya sa peace plan na inihain ng Iran
- Luistro: Impeachment lusot sa Bank Secrecy Law
