Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na lalampas sa 4% target ang inflation ng bansa hanggang 2027 dahil sa epekto ng digmaan sa Middle East.
Ayon sa BSP, “The inflation outlook has deteriorated amid the ongoing conflict in the Middle East. Higher global oil and fertilizer prices have begun feeding through to domestic fuel and food prices. At the same time, core inflation has continued to rise, pointing to a broadening of underlying price pressures.”
Kasabay nito, itinaas ng central bank ang policy interest rate ng 25 basis points upang labanan ang pagtaas ng presyo.
Sinabi rin ng BSP na “Average headline inflation is seen to breach the 4-percent tolerance ceiling in both 2026 and 2027,” habang tumataas din ang inflation expectations na maaaring magpalala ng price pressures.
Noong Marso, umakyat na sa 4.1% ang inflation mula 2.4% noong Pebrero, dulot ng pagtaas ng presyo ng langis at paghina ng piso na may kaugnayan sa kaguluhan sa Middle East.
Trending
- Mayor na binazooka, humirit ng agarang imbestigasyon sa DOJ
- 5 NPA patay sa engkuentro sa Negros Occ.
- Tulay sa Davao, gumuho sa malakas na agos ng tubig
- NBI driver posibleng nadikitan lang ng gunpowder sa Senado – Matibag
- DILG, nilinaw kung bakit ‘di inaresto si Dela Rosa
- Giit ni Matibag: NBI ang inaatake, hindi Senado!
- NBI: Cyber warrant vs Franco Mabanta aprub na
- NBI may ‘leads’ na sa kinaroroonan ni Sen. Bato

