Mas lalo pang hinahangaan ng maraming tao si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Imelda Papin habang mas nakikilala nila ang kanyang kabutihan at malasakit sa kapwa.
Bukod sa pagiging kilala bilang Jukebox Queen, nakilala rin si Imelda bilang isang lingkod-bayan.
Bilang direktor ng PCSO, madalas siyang maiugnay sa pagtulong sa mga mahihirap na pasyenteng nangangailangan ng tulong para sa kanilang pagpapagamot at gastusin sa ospital.
Hindi lamang sa kanyang tungkulin sa PCSO umiikot ang kanyang pagtulong.
Sa pamamagitan ng Imelda Papin Foundation, patuloy rin siyang nag-aabot ng tulong sa mga kapos-palad, lalo na sa mga pasyenteng nangangailangan ng pambili ng gamot, laboratory tests, at iba pang pangangailangang medikal.
Sa kabila ng kanyang matagal nang tagumpay sa mundo ng musika, patuloy na isinusulong ni Imelda ang pagtulong sa kapwa—patunay na ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nasusukat sa posisyon, kundi sa malasakit at pagkalinga sa mga higit na nangangailangan.
Ayon sa mga taong nakakasalamuha ni PCSO Director Imelda sa kanyang opisina, isa umano siyang direktor na may busilak na puso, mapagmahal, at laging handang tumulong sa mga nangangailangan.
Dahil sa mga kabutihang iniuugnay sa kanya, maraming tao ang naghihikayat kay Imelda na subukan ang mas mataas na posisyon sa pamahalaan.
May mga nagsasabing nais nila itong makitang tumakbo bilang senador sa 2028 national elections.
Kung pagbibigyan ni Imelda ang mga panawagang ito ay panahon lamang ang makapagsasabi.
Sa kasalukuyan, wala pa siyang inilalabas na pormal na pahayag hinggil sa usapin.
Hinihintay na lamang ng publiko kung ano ang magiging pasya niya kaugnay ng 2028 national elections.
Trending
- Lady Red Spikers nakamit ang ikalawang tagumpay
- Qatar tinambakan ang Iran 9 days bago ang opening ceremony ng Asian Games
- Isabelle Daza nagregalo ng cellphone sa tindera
- Katherine Luna fan mode nang makasama mga sikat na artista
- Dina Bonnevie sobrang love ang manugang niyang si Kristine Hermosa
- BARMM elections madugo
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre
- 55 wildlife traders, timbog sa operasyon ng DENR

