Tila ba nanghingi na kaagad ng tawad sa Diyos ang isang holdaper nang mag-sign of the cross bago gawin ang isang panghoholdap.
Ayon sa ulat, nangholdap ang suspek ng isang Indian national sa isang eskinita sa Bagong Silang Barangay San Juan, Cainta, Rizal.
Inabangan ng suspek ang biktima sa nabanggit na eskinita, na maniningil lamang daw ng utang sa ilang mga residente sa lugar.
Nagawang manakaw ng suspek mula sa biktima ang halagang P5,000, matapos niya itong tutukan ng kutsilyo.
Palakad at walang kaba-kabang sumibat ang suspek matapos ang insidente, na para bang walang nangyari.
Hindi naman na nagsampa pa ng kaso ang biktima, nguni’t patuloy pa ring tinutugis ng mga awtoridad ang holdaper.
Trending
- Mayor na binazooka, humirit ng agarang imbestigasyon sa DOJ
- 5 NPA patay sa engkuentro sa Negros Occ.
- Tulay sa Davao, gumuho sa malakas na agos ng tubig
- NBI driver posibleng nadikitan lang ng gunpowder sa Senado – Matibag
- DILG, nilinaw kung bakit ‘di inaresto si Dela Rosa
- Giit ni Matibag: NBI ang inaatake, hindi Senado!
- NBI: Cyber warrant vs Franco Mabanta aprub na
- NBI may ‘leads’ na sa kinaroroonan ni Sen. Bato

