Halos 24,000 aspiring school leaders ang sabay-sabay na kumuha ng pagsusulit sa 65 assessment sites sa buong bansa.
Nakabatay ang pagsusulit sa mga competency standards na nakapaloob sa Philippine Professional Standards for School Heads (PPSSH) na may layong masukat ang kahandaan ng mga aspiring school heads at matutukoy ang kanilang competency gaps.
Ang mga makukuhang datos mula sa assessment ay magsisilbing batayan sa pagbuo ng mga targeted professional development interventions at iba pang leadership support programs.
Ito ay para lalo pang mapalakas ang kapasidad ng mga school leaders sa buong bansa.
Bago ang mismong assessment, nagsagawa rin ang DepEd ng nationwide Mock Assessment noong May 10 upang maging pamilyar ang mga examinee sa testing platform, at masuri ang technical preparedness, device compatibility, at pangkalahatang sistema ng online exam.
Trending
- Peabo Bryson pumanaw @ 75
- Keanna Reeves, mahilig sa bagets
- Jerald Napoles inintriga dahil ‘feeling pogi’
- Mga serbisyo inilapit ng DAR sa mga magsasaka sa Batangas
- Rep. Sandro Marcos, dawit sa nakatanggap umano ng maletang pera
- Cayetano, pinayuhan si Gatchalian: ‘Wait for your time’
- Tag-ulan sa PH, opisyal nang inanunsyo ng PAGASA
- 18 Ex-Marines, magpapasa ng bagong affidavit

