Naniniwala si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na bagaman mabigat at sunod-sunod ang mga krisis na kinakaharap ng bansa, maaaring hubugin nito ng isang mas matatag at matibay na kasalukuyang henerasyon, ang Gen Z.
Sa kanyang mensahe sa estudyante ng Cebu Technological University sa ginanap na Miting de Avance at Dialogue ng student government nitong Huwebes, April 16, sinabi ni Cayetano na ang magkakasunod na hamon na dinaanan ng kasalukuyang henerasyon mula sa nakaraang pandemya, sa matagal nang isyu ng korapsyon, at sa tensyon sa ibang bansa ay maaaring tingnan bilang paghahanda sa mas malalaking responsibilidad sa hinaharap.
“Usually, the generations that go through crises are stronger generations,” wika niya.
Ipinaliwanag ng senador na sa kasaysayan, ang mga taong dumaan sa matitinding pagsubok ang siyang nagiging handa sa mas mabibigat na tungkulin, bagay na aniya ay makikita rin sa iba’t ibang kuwento sa Bibliya.
Tinalakay rin niya ang pag-usbong ng artificial intelligence o AI, na para sa ilan ay banta sa trabaho ngunit para sa iba ay nagbubukas ng panibagong oportunidad.
“Both of them looking at the same thing. One of them saw opportunity. The other one saw defeat,” wika ni Cayetano.
Giit ng senador, mahalaga ang magiging pananaw ng kabataan sa harap ng ganitong pagbabago — kung paiiralin ang takot o gagamitin ito bilang pagkakataon upang umangat.
Hnikayat ni Cayetano ang mga estudyante na maging aktibo sa pagpili ng mga lider at manatiling nagkakaisa matapos ang halalan.
“Students, please vote. Pick the leaders that you want and that can lead you into the next chapter,” aniya.
Trending
- Mahigpit na regulasyon sa LPG industry, itinutulak
- Matinding init patuloy, walang bagyo ngayong Abril
- Mataas na suweldo, plantilla position para sa mga komadrona itinulak
- Gen Z mas tumibay sa gitna ng krisis – Cayetano
- Edukasyon, licensure, training ng guro, irereporma sa Senado
- Meralco customers, aasahan ang pagtaas ng singil sa kuryente simula Setyembre
- 1.3M Pinoy maapektuhan ng pagtaas ng presyo ng langis
- PhilHealth: benefit package para sa heat-related illnesses

