Nanawagan ang Archdiocese of Manila sa mga parokya nito na mangalap ng nagamit na mantika o used cooking oil upang iproseso at gawing biodiesel, kasabay ng patuloy na krisis sa langis dahil sa tensyon sa Middle East.
Ayon sa Archdiocese, ang hakbang ay tugon sa inaasahang pagtaas ng pandaigdigang demand sa langis at tumataas na presyo ng fuel.
“In this spirit, all parishes and institutions are encouraged to participate in the program, which seeks to organize the systematic collection of used cooking oil from households, food establishments, and parishes and various church institutions,” ayon sa pahayag ng Archdiocese.
Ipinaliwanag nito na dadaan sa tamang proseso ang nakolektang mantika gaya ng collection, pre-treatment, transesterification, at purification sa pamamagitan ng Ministry of Integral Ecology bago maging biodiesel.
Sa ilalim ng programa, magtatakda ang bawat parokya ng collection point, hihikayatin ang mga parishioner na mag-imbak ng used oil sa malinis na lalagyan, at magkakaroon ng regular na koleksyon at processing.
Ayon sa Archdiocese, layunin ng inisyatiba na makatulong sa kalikasan at kahit paano ay maibsan ang pressure sa suplay ng enerhiya sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis na dulot ng sigalot sa Middle East.
Trending
- Zaldy Co wala na sa kustodiya ng Czech authorities – DOJ
- Paglabas ng pagkakakilanlan ng mga imbestigador, kinondena ng Ombudsman
- Lacson: Mga senador dapat manatiling neutral sa posibleng impeachment trial
- Meralco, binanatan sa gitna ng krisis sa enerhiya
- 2026 barangay, SK polls pinauusog ni Sen. Imee sa Oktubre 2027
- Gamit na mantika, maaaring gamitin sa paggawa ng biodiesel
- Trump ‘di masaya sa peace plan na inihain ng Iran
- Luistro: Impeachment lusot sa Bank Secrecy Law
