Sinara ng Department of Migrant Workers–Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in Persons Program (DMW-ARTPP) ang isang farm at training center sa Barangay Iringan, Allacapan, Cagayan noong Biyernes matapos ang reklamo ng umano’y illegal recruitment.
Ayon kay DMW Undersecretary Bernard Olalia, lumabas sa reklamo ni farmworker Neil Panes na ang Estepa’s Integrated Farm and Training Center Inc. ay umano’y nag-aalok ng trabaho sa abroad sa mga bansa tulad ng Poland, Lithuania, Greece, at Hungary bilang farmer, fisher, pastry worker, factory worker, at baker, na may sahod na 1,200 Euros o humigit-kumulang P80,000 hanggang P90,000.
Sinabi rin na naniningil umano ang training center ng P5,000 na training fee at P250,000 na processing fee.
Ang naturang farm ay accredited training center ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ayon kay Aurelia Estepa, na nagpapatakbo ng pasilidad, magkokonsulta siya sa kaniyang abogado at maglalabas ng pahayag kaugnay ng isyu.
Sinabi ng DMW na kakasuhan ng illegal recruitment ang mga incorporators at isasama sila sa List of Persons and Entities with Derogatory Record. Irerekomenda rin umano ang pagkansela ng kanilang registration sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Trending
- Alex Eala, Zeynep Zonmez lusot na sa unang round ng Madrid Open doubles
- Lakers, pinadapa ang Rockets sa overtime, 112-108
- 3 estudyante dinukot ng rebeldeng grupo
- Bulkang Kanlaon muling bumuga ng abo
- Panibagong forest fire sumiklab sa bundok sa Laguna
- Sari-sari store owner nasimot higit P81k sa Gcash scam
- 5 sangkot sa ilegal na notary public huli sa Maynila
- Farm, training center sa Cagayan, pinadlak sa illegal recruitment
