Take 2.
Naulit ang tensyon sa pagitan nina Senators Kiko Pangilinan at Robin Padilla sa Senado nitong May 11.
Nagpapaliwanag si Binoe tungkol sa kanyang posisyon sa Senate Resolution No. 44 o paglalagay kay Sen. Bato de la Rosa sa protective custody.
Ani Robin, sinigawan daw siya ni Kiko–dahilan para magtalo sila habang nagsilbing presiding officer si Sen. Loren Legarda.
Naawat naman ang dalawa at sinuspindi ang sesyon.
Makikitang nakikipagkamay si Kiko pero tumanggi si Robin na tanggapin ito.
Nais ni Robin sa ireklamo si Kiko sa ethics committee at humingi ito ng sorry sa kanya.
Tiyak na maglalabas ng post ukol dito ang maybahay ni Kiko na si Sharon Cuneta sa kanyang social media account.
llang pelikula din ang pinagtambalan nina Sharon at Robin sa Viva Films.
Natural ding panigan ni Sharon ang kanyang mister.
Kilalang magkaiba ang political alliances nina Kiko at Robin.
Makaapekto kaya ito sa matagal nang pagkakaibigan nina Sharon at Robin?

Share.
Exit mobile version