Kinilala ng Provincial Government of South Cotabato ang estudyanteng si Bryan Pamonag bilang “real-life hero” matapos ang kanyang matapang na pagkilos sa pamamaril sa Banga National High School noong Setyembre 18.
Ayon kay Gov. Reynaldo Tamayo Jr., sinipa ni Bryan ang gunman nang magpaputok, nguni’t tinamaan pa rin siya sa kamay.
Sa kabila ng sugat, patuloy siyang kumilos at sinira ang bintana ng classroom upang makalabas ang kanyang mga kaklase.
Tatlo ang kumpirmadong nasawi, kabilang ang suspek, habang pito naman ang nasugatan.
Patuloy namang inoobserbahan sa ospital ang mga sugatan, kabilang ang isang biktimang nasa kritikal na kondisyon.
Isang kabataang tumindig sa gitna ng panganib upang makatulong at makapagligtas ng kapwa estudyante.
Trending
- Catindig, Manalac sumungkit ng unang medalya ng PH sa Asian Games
- Shure Summit 2026 na “From Meeting Rooms to Center Stage”
- Frankie, umamin na sa relasyon
- Alex Eala, spotted sa NY fashion week; Heart, kinabog
- CinePanalo Film Festival entries, inihayag na
- Driver sugatan sa nahulog na sasakyan sa bangin
- 3 katao arestado sa pagbabanta sa online
- Truck bumaliktad sa kurbada: 7 sugatan
