Idineklara ng dating NBA center na si Enes Kanter Freedom ang kanyang intensiyong sumali sa 2027 WNBA Draft, isang hakbang na sinabing naglalayong hamunin ang kasalukuyang eligibility rules ng women’s basketball league.
Sa kanyang pahayag, sinabi ng 34-anyos na dating NBA player na matapos niyang suriin ang eligibility guidelines ng WNBA, naniniwala siyang pasok siya sa mga requirement.
“If simply declaring who you are is all that’s required, then I meet every single requirement necessary to compete in the WNBA,” pahayag ni Freedom.
Ayon kay Freedom, alam niyang maaaring maging kontrobersyal ang kanyang paglahok, ngunit iginiit niyang hindi niya layuning insultuhin o kutyain ang anumang komunidad.
Aniya, ang nais lamang niyang makita ay ang pare-parehong pagpapatupad ng umiiral na rules para sa lahat.
Ang pahayag ni Freedom ay kasunod ng kontrobersiya tungkol sa eligibility ng transgender athletes sa women’s basketball.
Gayunman, nakasaad sa collective bargaining agreement ng WNBA na mga babaeng manlalaro lamang ang maaaring maging eligible, bagama’t hindi nito malinaw na tinutukoy ang depinisyon ng “women”.
Si Freedom ay dating No. 3 overall pick noong 2011 at naglaro ng 11 season sa NBA, kung saan nag-average siya ng 11 puntos at walong rebounds bawat laro.
Pagtatapos ni Freedom sa isang hamon, “See you at training camp.”
Trending
- 3 patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital
- 4 wanted tiklo
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet
