TENNIS NGAYON. TATANGKAIN ni Alex Eala ng Pilipinas na mapagbuti ang ranggo para makapasok sa Top50 sa world rankings sa paglahok sa Guangzhou Open, isang WTA250 na torneo na ginaganap sa Guangzhou, China.
Ito ay bahagi ng kanyang kampanya sa Asian swing ng WTA season.
May laro siya ngayon Huwebes, October 23, 2025.
Sasabak siya sa Doubles – Round of 16 sa Court 5 bandang 12:00 PM (lokal na oras)
Kabalikat niya si Nadiia Kichenok ng Ukraine.
Makakalaban nila sina Emily Appleton (UK) at Qianhui Tang (China).
Mas mataas ang tsansa nina Eala/Kichenok na manalo sa 59.5%.
Si Eala ay pumasok sa singles draw bilang ika-apat na seed, ngunit natalo agad kay Claire Liu.
Sa ngayon, nakatuon siya sa doubles, kung saan maganda ang kanilang kombinasyon ni Kichenok.
Ang Guangzhou Open ay bahagi ng tatlong sunod-sunod na torneo sa Asya para kay Eala.
Nakahanay dito ang Japan Women’s Open (na tapos na); Guangzhou Open (ginaganap sa kasalukuyan) ; at isang WTA 250 event pa na inaasahan na gaganapin sa Southeast o East Asia.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init
