Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga katanungan tungkol sa mga kinakailangang identification card (ID) para sa pagtanggap ng Social Pension for Indigent Senior Citizens.
Ayon sa kagawaran, patuloy na kinikilala at hinihikayat nito ang paggamit ng National ID bilang primary ID nguni’t mananatili anilang valid ang iba pang government-issued IDs bilang secondary ID para sa mga wala pang National ID.
Dagdag nito, aktibong nakikipag-ugnayan ang DSWD Field Offices sa Philippine Statistics Authority upang matulungan ang mga benepisyaryo na hindi pa rehistrado sa PhilSys.
“Layunin nito na matiyak na ang bawat social pensioner ay magkaroon ng kanilang sariling National ID para sa mas mabilis na serbisyo,” saad ng DSWD.
Ang mga sumusunod ang tinatanggap bilang secondary ID:
* National ID/PhilID Card
* OSCA ID
* PhilHealth ID
* Voter’s ID
* Passport
* Driver’s License
* 4Ps ID
* PWD ID
* TIN ID
* Postal ID
* Solo Parent ID
* SSS-UMID (para sa non-pensioners)
* GSIS e-card (para sa non-pensioners)
* OWWA ID
* OFW ID
* PRC ID
* Seaman’s Book
* Integrated Bar of the Philippines ID
* Iba pang government-issued ID na may complete name, larawan at tirahan

Share.
Exit mobile version