Nasakote ng mga elemento ng pulisya ang isang 51- anyos na driver na nag-abandona ng isa sa kabaong sa Sta. Cruz, Manila sa isinagawang operasyon sa Marilao, Bulacan noong Biyernes ng gabi.
Sa ulat ng PNP, 6:00 ng gabi nang masakote ang isa sa mga suspect na si Perigrino Miculob, 51-anyos sa loob ng Marilao Grand Villas sa Loma de Gato sa bayan ng Marilao.
Natimbog si Miculob matapos ang isinagawang backtracking operations ng mga pulis matapos na matukoy sa CCTV footage ang sasakyan nito na sinundan kung saan nagtungo.
Dito’y natukoy na isang Toyota Hi Ace van na may plakang NKQ 9818 na ginamit ng suspect sa pagbaba at pagabandona sa mga kabaong.
Sa report ng Manila Police District (MPD), si Miculob ang isa sa driver at ilan nitong kasamahan ang nagbaba ng kabaong sa Sta Cruz habang patuloy ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang iba pang mga kasabwat at ang motibo na ginawa ng mga ito.
Noong Biyernes, ipinakalat sa mga kabaong sa limang lugar sa Metro Manila kabilang sa Sta Cruz, Manila, Welcome Rotonda, at Boy Scout Circle sa Quezon City gayundin sa Caloocan City at Makati City kung saan may nakasulat ritong mensahe na mga anti- CPP-NPA at anti-China.

Share.
Exit mobile version