Naglaho ang isang delivery boy nang itakas ang service vehicle ng kanilang LPG store dala ang 49 na tangke ng gas sa Cabuyao City, Laguna.
Ayon sa ulat ng Cabuyao City Police Station, nangyari ang insidente ala-1:30 ng madaling-araw noong Lunes sa Sitio Bagong Silang, Barangay Sala.
Batay sa salaysay ng complainant na si Christopher, napansin umano niya sa CCTV footage ang kanilang delivery driver na nasa loob ng establisimyento bago biglang naputol ang transmission.
Agad siyang nagtungo sa kanilang tindahan upang beripikahin ang sitwasyon. Ngunit pagdating doon, tumambad ang pinutol na mga kable ng CCTV at nawawala na ang kanilang service vehicle na isang Suzuki Carry, na kargado ang 49 na 11 kilong LPG tank.
Nagsasagawa na ng follow-up operation sa mga pulis upang matukoy at madakip ang suspek.
Inihahanda na rin ang kasong carnapping at qualified theft laban sa dito.

Share.
Exit mobile version