Dumating sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame nitong Martes, Hunyo 16 ang ilang dating manlalaro ng men’s basketball team ng Ateneo de Manila University kaugnay ng imbestigasyon sa pagkamatay nina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Kabilang sa mga nakita sa CIDG sina Anton Asistio, Mike Nieto, Geo Chiu, Kyle Ong, Tyler Tio, Lars Fjelvang, Dom Escobar, Kymani Ladi, at Josh Lazaro.
Wala sa kanila ang nagbigay ng pahayag sa media.
Nasawi sina Baterbonia at Adili matapos umanong tangayin ng malakas na agos habang nagsasagawa ng training activity sa baybayin ng Dipaculao noong Hunyo 8.
Ayon sa CIDG, nakatuon na ngayon ang imbestigasyon sa posibleng kasong homicide o hazing. Sinabi rin ng ahensya na ang aktibidad ay isinagawa sa isang liblib na lugar na nasa humigit-kumulang 300 metro mula sa beach resort kung saan naka-check in ang koponan.
Sinisiyasat din ng CIDG ang mga alegasyon ng umano’y kuwestiyonableng training practices sa ilalim ni dating head coach Tab Baldwin.
Samantala, humingi na ng paumanhin si Baldwin sa pagkamatay ng dalawang manlalaro sa isang video na inilabas sa social media ng Ateneo apat na araw matapos ang insidente.
====
Trending
- Cayetano tanggap na ‘di na siya ang senate president
- Teammates nina Baterbonia, Adili nagpakita sa PNP
- 24 North Genesis bus, sinuspinde sa road crash sa Baguio City
- 4 Taiwanese ilegal na pumasok ng Pinas timbog
- P56m droga, buking sa parcel sa NAIA
- 92 puganteng may kasong sexual offenses, naaresto
- CIDG kay Baldwin: ‘Man up’, humarap sa imbestigasyon
- Sen. Bato dapat sumuko nang mapayapa
