May panawagan si Dagul para kay Julia Montes at sa mga nakasama niyang artista sa ‘Goin Bulilit’.
Sa vlog ni Susan Enriquez na “Kay Susan Tayo Vlogs,” naikuwento ni Dagul ang pinagdaraanang hirap partikular sa kanyang kalusugan.
Sa ngayon, ani Dagul, umaasa lamang siya sa tulong ng kanyang asawa’t anak na alam din niyang nahihirapan na sa kanya. Masakit man ito para sa kanya ay tinitiis ni Dagul dahil wala naman siyang ibang opsyon.
Aniya, may mga patuloy na tumutulong sa kanya tulad nina Benjie Paras, Long Mejia at dating Sen. Manny Pacquiao na kahit anong oras niya lapitan ay tumutulong.
Nang sabihin naman ni Susan kung may mga gustong hingan ng tulong si Dagul sa kanyang mga nakatrabahong artista, binanggit nito si Julia.
“Sa Goin Bulilit, alam ko naman talaga na marami sa inyo na sumikat. Sana mapansin nyo ako, kung may maitulong kayo, project man, tulad kay Julia, Julia Montes.
“Kung gusto nyang tulungan ako. Sana mapanood mo ‘yung vlog ni Mam Susan. Sasabihin ko na kailangan ko ng tulong nyo,” ani Dagul.
Dagdag pa niya, kahit anong role ay kanyang tatanggapin magkatrabaho lamang.
“Kahit palamuti lang, tanggapin ko yan kahit anong role para lang sa pamilya ko,” ani Dagul.
====
Trending
- 3 patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital
- 4 wanted tiklo
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet
