Napa-react si Bimby Aquino nang mapansin ang kakaibang pag-awra ng isa sa mga nurse na nag-aalaga sa kanyang mommy na si Kris Aquino habang naka-live siya sa social media.
Habang ipinapakilala niya ang nurse sa kanyang viewers, game itong bumati sa camera.
Nguni’t sa halip na matapos doon, nag-pose pa ito at tumalikod na tila ipinapakita ang kanyang puwitan, bagay na agad napansin ni Bimby.
Hindi na ito pinalampas ng binata at kaagad niyang pinagsabihan ang nurse.
“Ay, ba’t ganyan? Magagalit boyfriend mo ‘pag ganyan. She’s making pakita ng pwet! Huwag na! Don’t show that! Huwag mong ipakita ang puwet, my gosh! I’ll make sumbong to Kuya D,” saad ni Bimby.
Marami ang natuwa sa naging reaksiyon ni Bimby at sinabing halatang hindi siya komportable sa ginawa ng nurse.
Para sa ilang netizens, ipinakita lamang nito kung gaano siya karespeto at kung paano siya pinalaki ng kanyang ina.
Dahil dito, muling umani ng papuri si Kris Aquino mula sa mga netizens na nagsabing makikita sa ugali nina Bimby at Josh ang magandang pagpapalaki at mga pagpapahalagang itinuro sa kanila.

=====

Share.