Ayon sa tambalang DonBelle nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, sobrang malalim na ang pundasyon ng kanilang relasyon bilang magka-love team.
Bukod sa kabisado na nila ang isa’t-isa, itinuturing din nilang soul mates silang dalawa.
Sa ngayon, gaya ng alam ng lahat ay nagpahinga na ang kanilang love team.
Sa pagsalang nila sa lie detector test, naurot naman si Donny kung may bagay na hindi siya mami-miss kay Belle sa paghihiwalay nila.
‘Yes’ ang naging sagot ni Donny pero nakuryente siya, so, lumalabas na nagsisinungaling siya.
Bumawi naman ang aktor sa pagsasabing bawa’t bagay na may kinalaman kay Belle ay mami-miss niya.
Sa kaso naman ni Belle, nausisa siya kung panonoorin pa nito ang future projects ni Donny pagkatapos nilang maghiwalay.
Tugon naman ni Belle, gagawin daw niya iyon kung makakaya niya o kung may time siya.
Nakuryente rin si Donny nang sabihin niyang compatible sila ni Belle.
Katuwiran ni Donny, hindi raw sila compatible ng lie detector machine pero sure siya na matched sila ni Belle in most ways.
Natanong naman ni Belle si Donny kung nakikita ng aktor na ipinapareha siya sa ibang leading lady after her.
Hirit ni Donny, hindi raw naman maiiwasan iyon pero hindi na ka-loveteam ang tawag doon kundi workmate.
Sey naman ni Belle, akala raw niya noong una ay mayabang o suplado ang love team partner pero nagkamali raw siya dahil napaka-grounded nito.
Dagdag pa ni Belle, kung sakali raw na maging homeless si Donny ay willing siyang ampunin ito nang pansamantala sa kanilang bahay.
Pahayag naman ni Donny, 20 years from now ay mananatiling importante pa rin daw sila sa buhay ng bawa’t isa.
Sa huli, nagpasalamat ang dalawa sa oportunidad na makatrabaho ang isa’t-isa for six years.
Wish daw nila na mag-grow ang bawa’t isa sa kanilang career lalo na sa kanilang solo eras.

Share.
Exit mobile version