Marami ang naloka sa banner story ng isang web page.
Ito ay may kinalaman kina Louise delos Reyes at Xian Lim.
Ayon sa scoop nito, nabuntis daw umano ni Xian si Louise.
Ang nakakawindang pa ay inamin daw ni Louise na si Xian ang ama ng kanyang anak.
Ang siste pa, pagkatapos daw maglabas ng statement si Louise ay proud na inanunsyo ni Xian na inaako niya ang responsibilidad sa baby nila, ayon sa ulat.
May mga kafaneyan pa umano na hinangaan ang dalawa sa katapangan nilang lumantad at isapubliko ang kanilang journey.
Nag-react naman ang mga kibitzers nang mapag-usapan ang nasabing tsika sa isang portal.
Ito ang ilan sa kanilang hirit.
“Kaloka. Grabeng fake news.”
“So, hiwalay na sina Xi at Iris?”
“Dapat kasuhan ang fake news peddler.”
“Di nga ako aware na naging sila.”
“Nagsama sila noon sa isang movie.”