Patay ang isang bagong laya na suspek at sugatan ang isang pulis nang mauwi sa engkwentro ang follow-up operation sa Pasay City nitong Martes ng gabi, Abril 28.
Kinilala ang suspek na si Jet Mark Velasco, 28-anyos, residente ng Barangay 61, na agad na nasawi dahil sa maraming tama ng bala.
Sugatan naman si Police Staff Sergeant Carlo Rebulanan, 40, matapos tamaan sa kaliwang balikat. Siya ay kasalukuyang ginagamot sa Pasay City General Hospital.
Ayon sa ulat ni Joselito De Sesto sa National Capital Region Police Office na pinamumunuan ni Anthony Aberin, nagsimula ang insidente 5:10 ng umaga matapos makatanggap ng ulat ng sunod-sunod na pagpapaputok ng baril sa Barangay 61, umano’y dulot ng lasing na suspek.
Pagdating ng mga pulis, pinaputukan umano ng suspek ang mga rumesponde at tinamaan si Rebulanan bago ito tumakas.
Sa report, 8:15 ng gabi, muling natunton ang suspek sa Leonardo Street, Barangay 61 kaya nagsagawa ng follow-up operation ang pinagsanib na pwersa ng SWAT, Station Intelligence Section, Tactical Motorcycle Riding Unit, at Sub-Station 2.
Ayon sa pulisya, muling pinaputukan ng suspek ang mga operatiba at tumakas pa sa bubong ng mga kabahayan bago nasukol. Gumanti ng putok ang mga pulis na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Lumabas din sa imbestigasyon na kalalaya lamang ng suspek mula sa kasong may kaugnayan sa droga sa ilalim ng RA 9165. May rekord din siya sa kasong robbery sa Cavite at dating insidente ng pamamaril sa Pasay na umano’y naayos.
Trending
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init
- Walang “military-backed People Power” pero PNP nakaalerto
- “Night Club King” at driver patay sa ambush sa QC
