Nasawi ang 44-anyos na babae nang mabangga ng isang pampasaherong bus sa Santiago City, Isabela nitong Huwebes ng gabi.
Sugatan din sa insidente ang isang-taong-gulang na anak ng biktima na kasama niyang tumatawid sa Santiago City–Tuguegarao Road sa Barangay Rizal nang mangyari ang aksidente.
Batay sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, tinatahak ng bus ang naturang kalsada patungong sentro ng lungsod habang tumatawid ang mag-ina mula sa kaliwang bahagi ng kalsada patungo sa kabilang panig.
Pagdating sa lugar ng insidente, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang drayber ng bus dahil sa hinihinalang mechanical defect. Basa rin ang kalsada dahil sa pag-ulan.
Dahil dito, nabangga ng bus ang mga pedestrian bago tuluy-tuloy na sumalpok sa konkretong harang ng isang ospital.
Dahil sa lakas ng pagkakasalpok, umikot ang bus at nasagi ang isang paparating na pickup sa kabilang linya ng kalsada.
Nagtamo ng matinding pinsala ang babaeng pedestrian, kabilang ang pagkaputol ng kaniyang kaliwang braso at kanang binti. Namatay siya habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.
Sugatan din ang isang senior citizen at isa pang pasahero ng bus na kapwa isinugod sa ospital para sa agarang gamutan.
Samantala, nasa kustodiya na ng kapulisan ang drayber ng bus habang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon sa insidente upang matukoy ang eksaktong sanhi ng aksidente at pananagutan ng mga sangkot.
Trending
- Alyssa Valdez at Ara Galang magsasama sa pambansang koponan
- 6 atleta ng pentathlon, kwalipikado sa Asian Games
- Anne sinamahan ni Raymond mag-shopping spree
- John Prats, na-touch sa reunion nila ni Heart
- Rico close sa lahat ng ex-gf, maliban kay Maris
- Babae, pisak sa bangga ng bus; baby, sugatan
- P15B dagdag na pondo para sa earthquake response
- ERC pinaiimbestigahan sa Ombudsman

