Pumanaw na ang award-winning actress na si Sue Prado sa edad na 44.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng kanyang twin sister na si May Shereen Prado ang pagpanaw ni Sue noong April 14.
“Our dearest Sue M. Prado has become a constant star in the night sky,” saad nito sa post noong Miyerkoles.
“It is with profound pain that we share Sue’s passing. Sue brought light in anyone’s path throughout her life. A life lived for others, for the craft she nourished and for those who she loved most.”
“Please celebrate her in any way you know how, and honor her memory through kindness,” dagdag pa ni Shereen.
Kabilang sa mga parangal na natanggap ni Sue ang Best Supporting Actress sa 2010 Gawad Urian para sa “Manila Skies”, Best Supporting Actress sa 2024 Balanghai Trophy para sa “Kantil”, at Best Lead Performance sa 2025 Pinoy Rebyu Awards para sa “Your Mother’s Son”.
Gumanap din si Sue bilang karakter sa mga pelikula at serye tulad ng “Oro”, Barber’s Tales”, “Thelma”, “Dagsin”, at “FPJ’s Ang Probinsyano”.
Trending
- Rider patay habang nakapila sa P5k ayuda ng DSWD
- John Cena, tinalampak ‘TikToker’ na nangharana sa kaniya sa isang cafe
- Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!
- Award-winning actress Sue Prado pumanaw @ 44
- 1st death anniv ni Ate Guy ipinagdiwang
- Viewers ng Showtime, lumilipat sa Eat Bulaga ‘pag wala si Vice
- PBBM, nangakong wawakasan ang gutom sa bansa bago matapos ang termino
- Malacañang, nilinaw na walang direktang deal ang bansa sa Petronas para sa diesel shipment
