Muling umingay ang tsikang hiwalay na umano sina Arjo Atayde at Maine Mendoza matapos lagyan ng kulay ng ilang netizens ang pagpa-follow-han ni Maine at ni John Lloyd Cruz sa social media.
Pero ayon sa isang source ni Jun Lalin, na malapit sa pamilya Atayde, malayong mangyari ang mga ipinapakalat na espekulasyon.
Wala umanong katotohanan ang balitang matagal nang hiwalay ang mag-asawa dahil halos araw-araw pa rin silang magkasamang nagwo-work out.
Bukod pa rito, noong Biyernes ay magkasama rin silang dumalaw sa lola ni Arjo na ilang araw na-confine sa ospital.
“Magkasama lang sina Arjo at Maine nang dumalaw sa ospital. Na-confine kasi ang nanay ni Ibyang (Sylvia Sanchez) at nagpunta nga sila sa ospital,” pahayag ng source.
“Ang daming nakakita sa kanila, so paanong sasabihin na hiwalay na sila noong March pa?” dagdag pa nito.
Iginiit din ng source na paulit-ulit na lamang ang isyung ibinabato sa dalawa tuwing hindi nakakadalo si Maine sa ilang pagtitipon ng pamilya Atayde. “
Gawa-gawa na naman ‘yan. Palagi namang sinasabing hiwalay na sila kapag wala si Maine sa mga ganap ng pamilya Atayde. Tigilan na nila dahil masaya ‘yung mag-asawa. Halos araw-araw silang magkasamang nagdyi-gym,” aniya.
====

Share.