Makakasunod sa yapak ng kanyang amang si Filipino-American baseball standout Benny Agbayani ang 19-anyos na si Bruin Agbayani matapos itong makuha ng New York Mets sa isang trade mula sa Minnesota Twins.
Nakuha ng Mets sina Bruin Agbayani at Billy Amick kapalit ng beteranong pitcher na si A.J. Minter.
Si Bruin, isang infielder, ay dating ika-29 na top prospect ng Twins at napiling sixth-round pick sa 2025 Major League Baseball (MLB) Draft matapos maging Hawaii Gatorade Player of the Year.
Ang kanyang ama ay si Benny Agbayani, may dugong Pilipino, Samoan at Hawaiian.
Naging fan favorite si Benny ng Mets mula 1998 hanggang 2001 at nakilala sa kanyang walk-off home run sa 2000 National League Division Series laban sa San Francisco Giants.
Mahigit tatlong dekada matapos mapasama si Benny sa Mets organization bilang 30th-round draft pick noong 1993, ang kanyang anak naman ang magsisimula ng sariling paglalakbay sa parehong franchise.
===
Trending
- 3 patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital
- 4 wanted tiklo
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet
