Sa entablado ng Mubadala Abu Dhabi Open, muling ipinakita ng Filipina tennis star na si Alexandra “Alex” Eala ang tapang at husay. Sa Round of Thirty Two, nitong Lunes, pinabagsak niya ang kinatawan ng Türkiye na si Zeynep Sonmez sa iskor na Six Four, Six Three 6-4, at tuluyang umusad sa Round of Sixteen.


Unang Set : Matatag na depensa at agresibong forehand ang ginamit ni Alex upang makuha ang unang set.
Ikalawang Set: Pinanatili ang momentum, sabay kontrol sa ritmo ng laro, na nagbigay-daan sa kanyang panalo.Sa susunod na round, si Aliaksandra Sasnovich ng Belarus (Rank One hundred Nine sa mundo) ang makakalaban niya sa February Four.


Patuloy na binubuksan ni Alex ang pintuan para sa mga kabataang atleta na nangangarap makapasok sa pandaigdigang tennis.

Isa itong hakbang na mas malapit sa quarterfinals, na magpapatibay sa kanyang reputasyon bilang isa sa mga rising stars ng Women’s Tennis Association Tour.


Ang kanyang tagumpay ay simbolo ng pag-angat ng mga manlalaro mula sa Timog-Silangang Asya sa global stage. “Nag-absent kami sa trabaho ng mister kong si Ahmad, para lang mapanood si Alex dito sa Abu Dhabi Open, naiiyak ako sa panalo niya,” kuwento ni Jelanie Ambrocio Calayan na siyang nagpadala ng mga photo at video images direkta mula sa tennis court tungo sa Sakto Balita newscast.

“Hindi kompleto ang araw namin kapag hindi naming siya napanood at nasuportahan, mabuhay ka, Alex, mahal ka ng mga Pinoy!”. Hindi lamang ito laban para sa akin, kundi laban para sa lahat ng Pilipino na naniniwala na kaya nating makipagsabayan sa pinakamalalakas sa mundo,” mensahe ni Alex matapos ang laban.

Share.