Patuloy ang pag-angat sa world stage ni Pinay tennis sensation Alex Eala matapos siyang mapasama sa prestihiyosong “30 Under 30” list ng Forbes para sa sports at entertainment.
Sa inilabas na listahan nitong Huwebes, kinilala ng Forbes ang mga kabataang atleta at entertainer na itinuturing na susunod na malalaking pangalan sa kani-kanilang larangan.
Isa si Eala, 21-anyos, sa mga pinuri dahil sa kanyang matinding pag-angat sa mundo ng tennis, lalo na matapos ang kanyang pambihirang kampanya sa 2025 Miami Open na nagbigay sa kanya ng international spotlight.
Ayon sa Forbes, malaking inspirasyon si Eala sa mga Pilipino dahil mas lalong naging interesado ang marami sa tennis — isang sport na kadalasang natatabunan ng basketball at volleyball sa bansa.
“Alexandra Eala got Filipinos fired up about tennis after she broke into the Women’s Tennis Association’s (WTA) Top 50 last year,” ayon sa artikulo ng Forbes na pinamagatang “The Gen Z Athletes And Music Artists Rewriting The Playbook.”
Kabilang din sa Forbes “30 Under 30” sina baseball star Yoshinobu Yamamoto ng Los Angeles Dodgers, chess prodigy Divya Deshmukh, golfers Shannon Tan at Minjee Lee, at sprinter na si Gout Gout.
Trending
- Boston head coach Joe Mazzulla tinanghal bilang 2025-26 NBA Coach of the Year
- Alex Eala pasok sa Forbes ‘30 under 30’
- Edu at GF, nagbakasyon grande sa Rome
- Ashley, inokray sa pantulog na OOTD!
- Mystery guy ni Sanya, afam?
- Pinas target ng Israel sa Pax Silica sa AI, cybersecurity at critical minerals
- Pope Leo XIV sinakyan unang electric car ng Ferrari
- 2026 National Oplan Balik Eskwela pinakilos na ng DepEd
