Natapos na ang kampanya ni Alex Eala sa 2026 Italian Open matapos silang mabigo ng kanyang partner na si Hailey Baptiste sa doubles competition.
Nalasap ni Eala at American partner ang 6-2, 6-1 na pagkatalo nitong Martes laban sa second-seeded tandem na sina Taylor Townsend at Kateřina Siniaková sa Round of 32 ng torneo.
Samantala, unang natapos ang singles campaign ni Eala noong Linggo matapos siyang yumuko kay Elena Rybakina sa straight sets, 6-4, 6-3, sa third round.
Sa kabila ng maagang pag-exit, naging kapansin-pansin pa rin ang kampanya ni Eala matapos niyang mapatalsik si Magdalena Fręch ng Poland at World No. 33 na si Wang Xinyu ng China.
Nakatakda namang sumabak si Eala sa 2026 French Open na magsisimula sa huling bahagi ng buwang ito.
Trending
- Lea Salonga babu na sa ‘Les Miserables’
- Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia bati na
- Kim Domingo ipinakilala Thai BF, itinangging may politiko lover
- Aludo umusad sa Philta National tourney
- Alex Eala napaaga ang eksit sa Italian Open
- EJK victims, dapat ding bigyan ng proteksyon ng gobyerno
- Rep. San Fernando hinamon ang bukasan ng bank record
- PBBM ‘di sarado sa muling pagsapi ng Pilipinas sa ICC
