Natapos na ang kampanya ni Alex Eala sa 2026 Italian Open matapos silang mabigo ng kanyang partner na si Hailey Baptiste sa doubles competition.
Nalasap ni Eala at American partner ang 6-2, 6-1 na pagkatalo nitong Martes laban sa second-seeded tandem na sina Taylor Townsend at Kateřina Siniaková sa Round of 32 ng torneo.
Samantala, unang natapos ang singles campaign ni Eala noong Linggo matapos siyang yumuko kay Elena Rybakina sa straight sets, 6-4, 6-3, sa third round.
Sa kabila ng maagang pag-exit, naging kapansin-pansin pa rin ang kampanya ni Eala matapos niyang mapatalsik si Magdalena Fręch ng Poland at World No. 33 na si Wang Xinyu ng China.
Nakatakda namang sumabak si Eala sa 2026 French Open na magsisimula sa huling bahagi ng buwang ito.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
