Tinapos ng Alas Pilipinas Women ang 15-game losing streak nito kontra Vietnam matapos makuha ang panalo sa 2026 SEA V Cup sa Chiang Mai, Thailand nitong Sabado, Agosto 8.
Matapos matalo sa unang set, bumawi ang Pilipinas at kumapit sa dikitang laban hanggang tuluyang maungusan ang Vietnam sa susunod na tatlong sets, 22-25, 25-23, 25-21, 25-22.
Ito ang unang panalo ng Pilipinas laban sa Vietnam sa regional tournament mula 2019.
Nagtala si Eya Laure ng 22 puntos mula sa 19 attacks, dalawang blocks, at isang ace. Nag-ambag din si Alyssa Solomon ng 17 puntos mula sa 15 attacks at dalawang aces, habang may 16 puntos si Bella Belen mula sa 12 spikes, tatlong rejections sa net, at isa sa service line.
Dahil dito, umakyat sa 1-1 ang rekord ng Alas at nananatiling buhay ang tsansa nitong makuha ang silver medal. Susunod nitong makakaharap ang Indonesia sa Linggo.
===
Trending
- EJ Obiena nagtapos sa pang-anim na puwesto sa Wanda Diamond League
- US Open inanunsiyo na ang kabuuang premyo na ipapamahagi
- Janella Salvador napiling boses ng ‘How Far I’ll Go’ sa ‘Moana’ concert
- Francine Diaz maldita at suplada?
- SB19 concert mapapanood na sa sinehan
- Sanggol patay nang gumapang at mahulog sa irigasyon
- Bagong silang na sanggol inabandona sa ibabaw ng septic tank
- 19 arestado sa paglabag sa election gun ban sa BARMM
