Arestado ng mga awtoridad ang founder ng Gawad Kalinga matapos silbihan ng Warrant of Arrest (WOA) sa bayan ng Angat nitong Mayo 29.

Sa ulat ni PMAJ. Mark Anthony Tiongson, OIC of the Provincial Intelligence Unit (PIU) kinilala ang naaresto na si alyas “Anton” Meloto, 76, residente Enchanted Farm, Brgy. Encanto.

Ayon sa ulat, naaresto si alyas “Anton”, ng PIU katuwang ang mga tauhan ng 1st PMFC at Angat police station, bandang 6:30 ng gabi sa nasabing farm.

Nabatid na ang WOA sa kasong Qualified Trafficking Under Sec. 4(A) of RA 9208 in Rel. to Sec. 6(A) and (D) of the same law as amended by RA 10364 and RA 11862 (two counts) ay inisyu ng Regional Trial Court Third Judicial Region, Branch 76, Malolos City na walang inirekomendang piyansa.

Sinasabing ipinaalam sa akusado ang kanyang constitutional rights at dinala sa nasabing yunit para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Share.