Bilang pagkilala sa makasaysayang serbisyo at kontribusyon sa bansa, opisyal nang idineklara ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ang ika-26 ng Disyembre ng bawat taon bilang Jose C. de Venecia Jr. Day.
Ang deklarasyong ito ay nakapaloob sa Provincial Ordinance 56-2026, na inaprubahan nitong nakaraang Lunes sa regular na sesyon ng SP.
Ang nasabing ordinansa ay inihain nina Board Members Jerry Agerico Rosario at Marinor de Guzman, at naging co-authors naman ang lahat ng miyembro ng lupon.
Ang Disyembre 26 ay ang araw ng kapanganakan ni De Venecia, na pumanaw nitong Pebrero 10, 2026 sa edad na 89.
Ayon sa ordinansa, ang pagkilalang ito ay nararapat lamang dahil sa kanyang “natatanging serbisyo sa sambayanang Pilipino at ang kanyang mga kontribusyon sa pambansang pag-unlad” gayundin sa mismong lalawigan ng Pangasinan.
Sa ordinansa, binanggit din si De Venecia bilang “proud son of Pangasinan”.
Si De Venecia ay nagsilbi ng pitong termino bilang kongresista at limang beses nahalal bilang Speaker ng House of Representatives.
Trending
- Bangkay sa toilet , suspek timbog
- May-ari ng pet crematorium sumuko sa NBI
- Emergency room sa Ospital ng Maynila umapaw
- Misis pinagtataga ng bading, naospital
- WCM Nicolas nahasa nang todo sa Czech Republic
- Bernardino, Lalahok sa mga Torneo ng Ahedres sa Korea at Malaysia
- FIDE Master Mario Mangubat mula sa Cebu, layuning makuha ang titulong IM
- 3 tulak nadakip

