NAVOTAS NGAYON–Hindi ako maaaring gumawa ng anumang insertion kasi hindi ako member ng Bicam.
Iyan ang resbak ni Navotas Representative Toby Tiangco sa patutsada ni Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo “Pido” Garbin.
Ang P529M ay ang halagang naaprubahan sa Bicam mula sa mga kahilingan para sa karagdagang pondo para sa Navotas .
“Ang magagawa ko lang ay gumawa ng isang kahilingan at ang bicam ay nagpapasya.
Kaya’t ang hindi ba mas lalong nakapagtaka kung bakit si Zaldy Co ay nakapagpasok ng P13,803,693,000 sa ilang mga distrito na hindi man hiningi ito?,” wika ni Tiangco.
Dagdag pa dito papaanong nakapag insert ang Ako Bicol partylist ng P2,295,000,000 habang ang BHW naman ay P2,064,000,000. Samantalang ang limitasyon ng ibang Partylists ay P100 hanggang P150 milyon Lang?
Ang Navotas ay namamalagi sa ibaba ng ilog ng Tullahan at nasa ilalim ng lebel ng dagat sa panahon ng high tide .
Ibig sabihin, ang tubig ng mataas na tide mula dagat at ilog ay mas mataas kaysa sa lupa ng Navotas.
Samakatuwid, ang pagbaha ay talagang unang isyu na kailangang matugunan.
Napaka-importante ng mga proyekto sa kontrol ng baha dahil apektado ng baha ang maraming aspeto ng buhay-kaligtasan, kalusugan, kabuhayan, edukason, sa negosyo ng Bawat Navoteño.(Roger Panizal)

Share.