IPINATUTUPAD ng NLEX Corp. ang mga hakbang kontra baha upang matiyak ang kaligtasan at tuloy-tuloy na pagbiyahe ng mga motorista sa kanilang mga expressway.Kabilang sa mga hakbang na isinasagawa ay:
Regular na paglilinis ng mga drainage system at culvert; pagsasaayos ng gilid ng kalsada; tuloy-tuloy na pagmamanman ng antas ng tubig sa ilog; inspeksyon at rehabilitasyon ng mga tulay; paghahanda ng mga water truck at kagamitan para sa pagbawas ng tubig;at pagsasagawa ng inter-agency flood mitigation forum upang mapalakas ang kahandaan ng mga host at kalapit na komunidad sa pangangalaga ng mga daluyan ng tubig
Binanggit ng kompanya na ang malalakas na pag-ulan dala ng pinalakas na southwest monsoon o Habagat, na pinaigting pa ng pag-apaw ng La Mesa Dam, ang sanhi ng pagbaha sa mga bahagi ng NLEX tulad ng Balintawak Cloverleaf, Valenzuela, at Meycauayan.
Upang mapigilan o mabawasan ang epekto ng ganitong insidente sa mga motorista, pinatibay pa ng NLEX ang kanilang multi-layered flood control system para sa dagdag na proteksyon.
Ayon kay Luis Reñon, officer-in-charge ng NLEX Corp. at chief finance officer ng Metro Pacific Tollways Corp, “Agad naming isinakatuparan ang mga hakbang para tugunan ang mga pagbaha at matiyak ang kaligtasan ng mga motorista. Nakikipagtulungan kami sa mga kinauukulan para sa pangmatagalang solusyon, kabilang na ang pag-aalok na i-upgrade ang mga tulay, rehabilitahin ang mga ilog at sapa na dumadaan sa NLEX.”
Bilang bahagi ng kanilang tugon:
Agad nilinis ang basura mula sa mga umaapaw na ilog at sapa; nilinis at ininspeksyon ang drainage systems at water outfalls;at isinasagawa ang road patching habang hinihintay ang panahon para sa permanenteng pag-aayos.
Itinalaga rin ang mga vacuum truck sa mga lugar tulad ng Balintawak, Paso de Blas, at Tulaoc.
Patuloy na mino-monitor ang tubig sa mga ilog at iniinspeksyon ang mga tulay gaya ng Pasig-Potrero Bridge.
Ipinapadala rin ang rescue boats para sa relief operations at alternatibong transportasyon para sa mga stranded.
Dagdag ni Reñon, “Ngayon ang panahon para gamitin lahat ng tulong at solusyon na kaya natin. Tinap namin ang mga kapatid na kumpanya sa MVP group tulad ng Maynilad at Meralco para sa karagdagang vacuum trucks at rescue boats. Talagang mahalaga ang pagtutulungan para palakasin ang depensa kontra baha at matiyak ang kaligtasan ng lahat.” (ML)
Trending
- Bagyong Ada, no classes today
- Bagyong Ada, no classes today
- Kris nag-kritikal : Lungs pumalya
- Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika
- Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan
- ₱1.5B Smuggling Bust ng PNP, Patunay ng Mas Mahigpit na Pagpapatupad ng Batas
- Goitia: Hindi Kayang Burahin ng mga Kuwento ng Tsina ang Karapatan ng Pilipinas
- Goitia: Sa West Philippine Sea, Hindi Nire-rebrand ang Soberanya

