SUSUNOD si National Master Nika Juris Nicolas sa 2025 Asian Amateur Chess Championships sa Hulyo 31 hanggang Agosto 9 sa Hongkong.
“ I would like to thank Hongkong China Chess Federation Limited for inviting me to participate in the 2025 Asian Amateur Chess Championships in Hongkong. Hoping to get some ELO rating points,” sabi ni NM Nicolas.
Sariwa pa sa pagkopo ng ng three gold medals si NM Nicolas matapos nag reyna sa 2025 Pasiglympics para sa Under 14, 13 at 12 chess tournament na ginanap sa Pasig City.
Nagkampeon si NM Nicolas sa Classical Chess, Fisher Random Chess at ASEAN chess events.
Kumpiyansa sina Atty. Krisanto Karlo Nicolas at Atty. Nikki de Vega, na magiging maganda ang performance ni NM Nika na kanilang anak. (MBernardino)

