Nakumpiska ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang higit sa P307.68 milyong halaga ng imported naasukal sa pagsalakay sa tatlong warehouse sa Bulacan noong Biyernes.
Sa ulat ng CIDG, tinatayang nasa 95,568 sako ng asukal ang natuklasan sa isang industrial park sa Barangay Perez, Meycauayan City.
Ayon kay CIDG officer-in-charge Col. Ranie P. Hachuela, ipinagbabawal ng batas ang ilegal na pagtatago ng mgaproduktong pang-agrikultura tulad ng asukal dahil nakakaapektoito sa presyo sa merkado.
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant katuwangng CIDG ang Department of Agriculture Inspectorate Enforcement (DA-IE) at Sugar Regulatory Administration.
Binigyang-diin ni Hachuela na ang operasyon ay nagpapakita ng matibay na posisyon ng mga awtoridad laban sa smuggling ng mga produktong pang-agrikultura at economic sabotage.
Samantala, inihahanda na ang kaso laban sa mga sangkot alinsunod sa Republic Act 10845 (Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016).

Share.