Japan unang bansa na makapasok sa World Cup 2026

Pasok na ang Japan sa 2026 men’s World Cup matapos na talunin nila ang Bahrain 2-0.

Sila ang unang bansa na mag-qualify sa nasabing World Cup na ang magiging host ay ang US, Canada at Mexico.

Naging susi sa panalo ng Samurai Blue soccer team sina Daichi Kamada at Takefusa Kubo.

Ang Japan rin ang naging non-host nation na mag-qualify sa 2026 men’s World Cup dahil ang tatlong host country ay tiyak na ang pagpasok sa 48-team tournament.

Share.