Nagbabala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa pamunuan ng social media platforms na Reddit at Discord sa posibleng restriction o pagbabawal ng kanilang operasyon sa bansa sakaling hindi sila makapagbukas ng opisina rito sa Pilipinas sa loob ng 24 oras. 

Sa pahayag ng CICC nitong Martes, Setyembre 22, mababasang binigyan ng ahensya ng liham ang pamunuan ng Reddit at Discord noong Lunes, Setyembre 21, na nagbibigay ng 24 oras na ultimatum sa mga ito para makapagtayo ng opisina sa Pilipinas. 

Layon ng naturang ultimatum na pagtibayin ang koordinasyon ng CICC sa iba’t ibang digital platforms kasunod ng malagim na insidente ng pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato noong Biyernes, Setyembre 18. 

“We are not asking platforms to police the internet for the government but to be reachable, accountable, and responsive when activities on their platforms put Filipino children and communities at risk. When an online threat spills over into the real world, there has to be clear channel for authorities to act,” saad ni Usec. Renato “Aboy” Paraiso. 

Share.